When boredom strikes. Le Facebook Timeline Cover~ U MAD?
2 weeks ago on May 9th,
2012 at 01:47PM
Return of the Return
Alam kong mali ang title, kaya bobo na ako. HAHA. 1, 2, 3.. Pwede ba akong umiyak kasi sobrang namiss ko kayo ng halos isang buwan? Sobra-sobra-sobra-sobra ko kayong namiss, kung alam nyo lang. Naninibago na nga ako dito sa Tumblr ko eh, sa sobrang tagal kong nawala. At may bagong features pa sa Dash. Ano ‘to “Tumblr4S”? Haha. Akala ko nasa bagong mundo ako. I must be new here. :>
Kamusta na ang mga buhay nyo? Wala na akong balita sa inyo. Hindi na kasi ako nanonood ng T.V. Joke yun. Wala tuloy akong idea kung paano magsisimula ulit dito sa Tumblr, para bang sabaw forever na. Sana wag naman. Madami akong kwento alam nyo ba yun. Sa sobrang dami, pwede na akong gumawa ng libro. Joke ulit yun (Bilangin nyo ah). Isa na dun ang pagiging official College-Kid ko. Hindi halata no?
Mga kaibigan, friends, and peers; nangulila ako sa kaOSOMan nyo. Sana naaalala nyo padin ako, kahit papano dahil kung hindi tatalon ako sa kama namin. Kaya kong gawin ‘yon kaya hindi joke. Haha. Yung totoo? Madami ba akong namiss na mga happenings dito, o ganun padin. Nabasawan talaga ang Awesomeness ko simula ng naghiatus ako panandalian dito sa Tumblr. Huwag kayong mag-alala, pagbabalik-post ko na ito. I’m back!
Question of the Day: Ilang word na “Joke” ang nabasa mo sa post na ito? - To join, text ANSWER<space>CUTESIJONARD<space>JOKELANG and send it to 6632.
2 weeks ago on May 8th,
2012 at 01:34PM
GPOY. Make Your Mama Proud!
2 months ago on March 28th,
2012 at 11:01PM
Just Do It
4 Days before Graduation. I’m a bit excited, though I really know that it will be very dramatic. Summer na talaga, kahit umuulan minsan. Nararamdaman ko na magkakaroon ako ng best days ngayon summer. Isa na dyan ay yung pagcelebrate ko ng 1st Anniversary ng Tumblr Blog ko. Ang saya!
Ngayon medyo busy pa sa mga requirements for College and other stuffs. Kahit na napiga ng husto yung utak ko sa Thesis, nasurvive ko naman. Feeling ko sumali ako sa The Hunger Games. Siguro pagkatapos ng Graduation, magkakasama na naman tayo ng todo. At dadami na naman ang populasyon sa Tumblr, kasi Summer na. Ang mga Hiatus, magbabalikan. Isa na ako dun. Woohoo!
I’m sure madami akong maikukwento sa inyo, pagbalik na pagbalik ko. Pero wag nyo paring kalimutan magTA sa akin, marereplyan ko padin kayo. Lagi naman akong nakakapagcheck, wala lang oras magpost. Mahirap kaya masabaw. Namimiss ko na talaga kayo. Kayo kasi eh. Hintayin nyo ako, magmamartsa muna ako at kukuha ng rolyong papel. Badah!
2 months ago on March 25th,
2012 at 12:06AM
After 2318172381357162 Years!
Exaggerated lang yung title eh. Pero this time, I want to talk about my love life again. Hindi ko inexpect na makikita ko pa syang muli pagkatapos ng 3 and a half years. I’m talking about my Elementary Crush. She’s my first crush, my first love and she’s the girl of my dreams. Sya lang ang natatanging crush ko noong Elementary days pa, hanggang sa gumadruate kami. Nangako ako sa kanya bago kami magtapos na hihintayin ko sya hanggang sa araw na handa na syang makipagrelasyon. I tried to court her kasi nung Grade 6 kami, pero nabinasted lang. Pero hindi naman ako napaghinaan ng loob, gusto ko kasi talaga sya.
NBFSB sya, though hindi naman sya choosy. Pero kahit na nagkaroon na ako ng Girlfriend last year, I’m still undeniably waiting for her. Iba klase kasi syang babae, hindi sya basta-basta. Hindi sya tulad ng iba na sobrang girly, pacute, at maarte. May pagkaboyish sya, pero sobrang matutuwa ka kapag lumalabas na yung Girlish side nya. Though mahirap syang pangitiin kasi lagi syang badtrip, eh parang nananalo ako sa Bingo kapag napapangiti ko sya. Hindi na mabilang sa kamay ang mga nabasted nya, pero nakakatuwang isipin dahil naaalala nya padin ako at hanggang ngayon close padin kami. I cried because of her na actually, pero nakakahiya naman yun. Ahaha.
Truly, sya talaga yung babae ng buhay ko. Kahit na isang libo na ang naging crush ko, sya padin ang Big Love ko. For now, ayaw ko muna syang kulitin ulit kasi gagraduate na kami ng High School at binabalik pa namin yung friendship namin na naputol. Siguro sa College na lang ako maglalakasa loob na pormahan sya ulit, at ipapakita ko talaga sa kanya kung gaano ko sya kagusto. Ay kamahal na pala. Mahal ko na kasi sya talaga. Ang landi ko na no? Hindi naman ‘to kasama sa resolution ko eh. Pero minsan lang kumulay ang love life ko, pagbigyan na. May dahilan na ako para sumaya araw-araw. Mabait talaga ang tadhana, at parang sya talaga. Thank You Lord! The best ka talaga.
2 months ago on March 6th,
2012 at 09:38PM
Ideal Bestfriend
Lahat naman tayo siguro mayroong Ideal Bestfriend. Yung iba sa atin patuloy na hinahanap sya, habang yung iba tila ba sinuwerte at nakita na nila. Iba-iba tayo ng gustong katangian ng Ideal Bestfriend natin. Tama ba?
Ang Ideal Bestfriend ko ay yung taong handa akong tanggapin kung sino ako. Yung taong hindi nang-iiwan at handa akong samahan sa kahit anong laban. Yung taong handang sakyan lahat ng mga kalokohan at hilig ko. Yung taong pupuna sa akin at tutulungan akong mapabuti ang lahat. Yung taong may magandang layunin ng pakikipagkaibigan sa akin. Yung taong may magandang puso at ituturing akong kapatid.
I’m pretty sure, mayroon tayong pagkakapareho sa mga katangian ng hinahanap nating Ideal Bestfriend. Pero kakaunti nalang dito sa mundo ang mga taong totoo. Alam kong hindi natin kailangan mamili ng kaibigan, pero darating din ang araw ay maghahanap din tayo ng taong maituturing nating BFF. Katulad ng Diyos, ang tunay na kaibigan ay laging andyan para sa atin sa oras ng kasiyahan at kagipitan. At ang tunay na pagkakaibigan, ay hindi nasusukat sa haba ng pinagsamahan kundi sa pagtuturingan at pagbibigay halaga ninyo sa isa’t-isa.
Sana dumating na ang Ideal Bestfriend natin. Sana malapit na syang dumating. At kung nahanap mo na yung sa’yo. Nainggit naman ako. On the way palang yung akin eh. SaBow.
2 months ago on March 1st,
2012 at 07:30PM
GPOY. Ganyang ang ngiti ng taong hindi parin makamove-on sa pagkakaroon nya ng sobrang GV na week. Kahit busy sya, kinikilig padin sya araw-araw. Bagong inspirasyon daw ang tawag dun. Ansabe?
2 months ago on February 29th,
2012 at 09:41PM
30WwzZ ph0w$zzZZ!
I’m Undeniably Back! Sensya sa title, trip ko lang. After 3 Weeks of in-activeness, I’m unfortunately back on track. Kamusta? Sobrang namiss ko ang lahat dito. Namiss ko yung mga friends ko at yung blog ko syempre. Ito na siguro yung pinakamahabang hiatus ko so far. At buti nalang hindi sya umabot ng 1 month, kundi patay na.
Natambakan kasi ako ng sobrang daming gawain sa School. Sunod-sunod na exams, tambak na projects, matinding thesis, nakakabaliw na reports at nakakapikon na requirements for Graduation. Sinabayan pa ng sunod-sunod na invites ang Glee Club, kaya mas lalong humigpit ang schedule. At sumingit pa ang Interview sa DLS-CSB, nako ang tindi. Buti nakakakain pa ako ng kumpleto, may snacks pa. Haha.
Puwera biro, namiss ko talaga ang Tumblr. Lagi sumasagi sa isip ko yung mga nangyayari dito. Iniisip ko yung mga followers ko, kung nawala na sila (Unfortunately, nalagas yung followers ko). Pero ayos lang, may natira padin naman. Mahal ko naman kayong lahat Followers, Readers, and Unfollowers. Parte padin kayo ng blog ko. Nasegway tulog kayo, ayos ba? Haha.
Dito nalang siguro muna, bumabalik na naman ang pagkadaldal ko. Tipirin natin, at baka masabaw na naman ako next time. Malapit na pala ang graduation, at excited na ako. Mabuhay tayo! Buhay na ulit ang blog ko. Ahaha.
2 months ago on February 29th,
2012 at 09:23PM
GPOY. Yes, 2nd Runner-Up kami sa Chorale Competition na sinalihan namin kanina. Though hindi kami yung nagchampion, blessed padin kami kasi mas lalo kaming gumaling. We believe that we’re the still the best, it’s no biggie for me actually. No matter what happens, we are still one and we will keep on inspiring people with our music. Wala namang nawala sa amin, in fact mas lalo pa namin napatunayan sa sarili namin na kaya naming lumaban hanggang dulo at may ibubuga kami. Ariba! It’s really a happy day for me. Guess what? I just found love in a Crowded Place. I’m so inspired right now, can’t stop starring at her picture. So many blessings! I Love February 2012!
3 months ago on February 4th,
2012 at 10:39PM
Tumblr against Studies
Para sakin, hindi sila vibes sa isa’t-isa kaya minsan kailangan mong mamili kung anong uunahin mo sa kanila. I’m such a hypocrite, kung pipiliin ko lang yung Tumblr (Oops, Tumblr don’t be so serius. Haha) over my studies. Though, may mga learnings din dito sa Tumblr in so many ways. Iba parin yung feeling na nag-aaral ka at madami kang natututunan sa paaralan mo.
Kasi last year, nafeel ko na parang nahuhuli na ako sa klase. Not that I’m blaming Tumblr for that, but It can be one of the factors. Sobrang temptation yung naramdaman ko, when I started out to control my Tumblr habit. Lagi kong iniisip kung ano ng nangyayari sa Tumblr World at baka napag-iiwanan na ako. I miss writing on my blog, actually. I know, it’s also my fault. Sorry na ha.
Now I’m back on track, the school-boy is back. I got better grades for the last quarter, and striking for a hundred grade. Aren’t you happy for me? I bet you’re not. LOL. Basta, hindi ako mawawala dito kahit na yung iba kong followers nawala na. It’s fine, sana bumalik sila. Lagi nalang akong natatameme kapag nakikita kong nababawasan yung followers count ko. Pero hindi na ako masyadong affected, iniisip ko nalang na hindi yun unfollow. Deactivate lang, deactivate! Whatever it is, it’s okay for me.
A bunch of school-works are on my back right now. I got to face ‘em all. Exams! Exams! Exams! And I’m getting ready for college. My English Teacher just revealed our project for this quarter. A Thesis, oh damn. Excited na akong magsimula, narrowing topics pa kasi eh. Iba na talaga, thank you Ma’am Charlie. Sipsip? Haha.
February is going to be a blast! Another championship for my beloved Glee Club. So watch out for my never-ending stories, haha. I can say that I am half-back now on Tumblr. I miss you guys! Talk to me whenever you want. Peace!
4 months ago on January 27th,
2012 at 11:11PM